Pages

Friday, August 24, 2012

'sang daang eroplano

'Sang Daang Buhay

Sabi nila, 'pag nakakita ka ng 100 na eroplano, p'wede kang mag-wish. Pero ibang usapan na pagdating sa mga residente ng Don Bosco, Paranaque City. Tunog pa lang ng eroplano, ang hiling nila'y 'wag na sanang maulit ang isang bangungot na habang buhay na nilang dadalhin.

Kung mayroon mang hiling si Rodelyn Molina, ang batang tinaguriang 'hero' noong kasagsagan ng insidente sa Paranaque, ito ay sana hindi na pinalipad ang cargo plane papuntang Mindoro.



"Kung hindi nila pinalipad 'yung eroplano nilang sira, hindi sana mangyayari ito sa'kin."

Higit pa sa sakit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang balat, ang emosyonal na epekto ng pangyayaring ito na mas nanunuot sa kaibuturan ng kaniyang puso.



"Mas masakit ngayon kasi dadalahin ko 'to hanggang sa pagtanda ko e."

Maraming pangyayari sa ating buhay ang hindi natin maintindihan. Nawa, sa kamatayan ni Sec. Jesse Robredo, magsilbi na itong wake-up call sa gobyerno. Kailangan ng bansang Pilipinas ng totoong leader, ng totoong taong mamumuno tungo sa totoong matuwid na pamumuhay. Ilang Rodelyn pa ba ang magsasakripisyo sa kasakiman ng ilan? Ilang Robredo pa ba ang kailangang pumanaw para magising tayong lahat? Sana wala na.

Reporter's Notebook, August 21, 2012, Air Crash (Maki/Ely/Jc/Rg/Gaze)

0 comments:

Post a Comment